kasing dilim ng gabi ang titig ng iyong mga mata
nagbabadya, nanghahamon, nagbabasa
sa kaluluwang balot ng hamog at lamig
noon pa’y pinalaya sa mga bituin at himig.
huwag hayaang ngiti mo ang magtatanong
at sa tadhana ang sagot ipakanlong…
huwag hayaang sikipin ang aking mundo
na kahit wala ka’y, laman pa rin yaring puso.
mata’y pikit, ikaw ikaw pa ri’y nasa isip
lalim ng hinihinga, ikaw ang hihip.
bagabag at hapis , sa bundok ililibing.
musmos na damdamin, tahimik na hiling.
-from a deviant poet
Friday, February 6, 2009
para sa iniirog
Posted by VIOLETA GLORIA at 2/06/2009 04:36:00 AM