CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Tuesday, March 3, 2009

Appreciating Filipino language/Pagpapahalaga sa wikang Pilipino

Kamakailan lamang ay nagkaroon ako ng virtual friends sa Goodreads. Gusto ko rin ipadama sa kanila na sila'y kabahagi sa maliit na mundong iniikutan ko. Gusto ko ring mananatili sa isipan ko ito kaya't naisipan kung ilimbag dito (sa blog) ang kagyat na bagay na napag-usapang namin tungkol sa ating wika.


Violeta

Masarap magbasa ng Tagalog.
Nakakabag-bag ng damdamin.
Kaya napamahal na sa akin ang manunulat ng Bata-Bata Paano Ka Ginawa?, Gapo, at Dekada 70. Si Lualhati Bautista.
Medyo mahirap lang mag-sulat ng tagalog gamit ang "keyboard" ng kompyuter.
Ang pangalan ko po ay nasa tabi lamang ng aking larawan. Makulay at medyo hango sa mga aktibidades ng simbahan.
Nagbabasa din ako ng mga libro na sulat ng mga taga-ibang bayan.
Minsan, umaapaw pa ang interes ko sa mga sulat nila keysa sa mga sulat ng mga Pilipino. Maari'y dahil dala na rin sa kultura ng mga Inglis na dumapo sa istruktura ng ating mga paaralan.
Hindi ko ikinahihiya ang wikang tagalog, kahit hindi ako tagalog. Mas malaman kasi at mas makahulugan ang mga wika natin kesa sa wika ng ibang bansa. Ika nga e, mas nakaka-antig pa sa puso natin.

Halimbawa:
a. You filled my mind. (Hindi kita maiwaglit sa aking isipan.)
b. I saw you. (Ang imahe moy nakalimbag sa aking mga mata.)

Pero okey lang. Kasi bihira na rin kasi sa mga magigiting na Pilipinong manunulat ang sumusulat ng Pilipino. Lahat nasa Inglis na. Kung may-nanagalog man e, 'yong mga tabloid na lang na ang laman ay mga mga tsismis ng bayan.

Hindi ko alam kong may-makakaunawa (relate) sa mga sinabi ko. Bagamat ma-ikokonsidera nating "language under threat" ang Pilipino (gaya ng extinct species), okey lang sa akin kung mag-Inglis kayo. Ako naman kasi'y isang Bisaya.

may nakalimutan lang ako.
Gustong-gusto ko nga pala ang mga libro ni Jose Rizal gaya ng El Filibusterismo (na ang kahulugan ay Touch Me Not), Noli Me Tangere, Ibong Adarna at iba pa. Sa sobrang pag-mamahal ko sa kanyang mga sulat ay pumunta talaga ako sa bahay niya doon sa Luzon at doon sa Dipolog kung saan sya ay nagkaroon ng kasintahan na ang pangalan ay si Josephine Bracken. Pinuntahan ko rin yong bahay ni Josephine.
Ang nakakalungkot lang ay parang kelangan ko pang maghanap ng isa pang Rizal na ang mga sulat ay makakabago sa ating lipunan.

Malay natin ano kung baka isa sa inyo ay makakagawa noon.

----------------------------------

Charles:
Welcome in goodreads Angeli and Violeta..mga mabubuting mamamayan ng aTIng bansa..:)keep it up..
----------------------------------

Jzhunagev:
Sa lahat ng mga bagong salta dito sa Goodreads... Welkom sa inyong lahat!!!!
kung may patimplalak tayo sa pinakamagandang magpakilala ng kanyang sarili sa gropung ito, iboboto ko si Violeta... Kakaunti na lang ang ganireng mga katauhan sa ating bansa... mga taong marubdob ang damdamin sa kanilang lupang sinilangan.... Ako'y lubos ngang sumasangayon sa iyong mga kasiphayuan na isa na ngang "language under threat" ang tagalog... ehhhh pano pa kaya iyong mga bernakulong hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa mga karatig lalawigan... sila'y talagang masasabi na nating nasa dapit-hapon na ng pagkalaos...
Naniniwala akong ang wika nga natin ay may angking lambing at matalinhagang taglay... Isa sa mga adbokasya ko ang magkaroon tayo ng tinatawag na language apppreiation... ngunit sa kasamaang palad ay natatabunan ang ating lenguahe ng media boom ng wikang pangkaluranin.... Sa iyong hiling na sana ay magkarooon ng isang panibagong Rizal na babago sa lipunan... hintay lang...

---------------------------------
Maryse:
Violeta wrote: "Masarap magbasa ng Tagalog.
Nakakabag-bag ng damdamin.
Kaya napamahal na sa akin ang manunulat ng Bata-Bata Paano Ka Ginawa?; Gapo; at Dekada 70. Si Lualhati Bautista.
Medyo mahirap lang mag-sulat ..."


Bisaya ka, day? I'm impressed -- ang galing mong mag-tagalog. I grew up here in Manila and I can't even write like that. Ironically, I always used my mom as an excuse for my poor Tagalog -- bisaya din siya eh and nahihirapan siyang mag-tagalog. :)

----------------------------------

Charles:
its really cool here oh dearest Ann.. same here..am so slow in reading Filipino books but am trying to read such books lately...shame on me if i don't read such, naturingan pa naman akong Pinoy..hhehhee..

yOOoohOooo Violeta..your so cool...

----------------------------------
Violeta:
Maraming salamat sa mainit na pagtanggap nyo sa akin dito.
Kaya pala medyo nilagnat ako kaninang hapon. Ngayon ko lang nawari.
Hehehe.
Charles, Maryse, Jzhunagev, Marco... maraming salamat. Pinaparamdam nyo sa akin na maging komportable ako sa inyo, kasing komportable sa pag-upo sa isang maselang kutson na upuan.
Sumasang-ayon ako sa'yo Jzhunagev na kelangan nating magkaroon minsan ng language appreciation o pagpapahalaga sa ating sariling wika. Masarap kasing mawari ang ganda ng mga wika kung ito'y sinasabi ayon sa takbo ng ating buhay at paano natin ito binigkas kasama ang ating damdamin. Gaya ng isang pag-ibig. Isang pag-ibig na namumutawi sa iyong puso na sinabi o binigkas mo ng walang batid na hiya. Parang... parang pag-ibig na walang hiya.
Pero Jzhunagev, wag mo na akong iboto dahil nagandahan ka kung paano ko ipinakilala ang aking sarili. Makakaasa ka na ako'y hindi isang politiko na maglalaro sa inyong mga damdamin o di kaya'y isang maingay na palaka sa inyong kaisipan. Ako'y isang simpleng tao lamang na walang maiaalay sa inyo kundi ang aking matinong kaisipan (tapos dinama ang puso kung tumitibok pa ba). Wagnalang isali ang puso ko... dahil duda ako kung sakto pa ba ang pintig nito.
Nakapanood din ako ng Twilight... napilitan akong panoorin iyon para maintindihan ko ang pinag-uusapan nila.
Kung bakit ba kasi di nalang natin panoorin ang mga aswang sa ating paligid. Hahaha! Siguro din naman...kaya ng mga Pilipinong aswang at bampira ang magdala ng isang magandang dilag sa taas ng pinakamatarik na puno upang doon ihayag ang makamundong pag-ibig.
Eh, ang ibig kong sabihin nito ay... doon kasi sa ibabaw ng kahoy, makikita mo ang ma-berdeng ganda ng mundo. Naranasan nyo na bang makikipagtampisaw sa tibok ng inyong mga puso sa pinakatuktok ng mataas na kahoy?
Hindi ko pa kasi naranasan ito. Malas lang at hindi ako nga-kaboypren ng bampira o di kayay aswang.
Hayaan nyo, hindi ko rin yan naging sagabal sa buhay ko o naging sanhi ng pagkabigo o pagkadama ng siphayo.
Magandang gabi sa inyong lahat!
Sana'y hindi tayo maging marupok.
Be happy...